Dalawang turista sa El Nido, naharap sa kasong pamamemeke ng swab test results

KINASUHAN ng El Nido police ang dalawang babaeng turista mula sa Metro Manila dahil sa umano’y pamemeke ng swab test results upang pumasok sa tourist destination ayon sa Department of Tourism (DOT).

Pinigilan ng Municipal health officers ang dalawa sa Lio Airport sa El Nido noong Pebrero 16 dahil sa pagsumite ng pekeng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test.

Ayon sa DOT, labag ito sa Republic Act 11322 o ang Law on Reporting of Communicable Diseases.

“The falsification was confirmed by verifying the QR code through the Lord’s Medical and Industrial Clinic, which administered the test,” ayon sa nakasaad sa batas.

Dinala ng municipal health office ang dalawa sa Chelles Hotel upang isailalim sa pitong araw na quarantine.

Pinuri naman ng DOT ang mabilis na aksyon ng lokal na pamahalaan ng El Nido at ang pagpatutupad nito sa mahigpit na protocols.

Pinaalalahanan naman ng ahensiya ang pamahalaang probinsyal at munisipal na mas paigtingin ang kontrol partikular na sa mga lugar na muling nagbukas sa mga turista kabilang ang El Nido at Coron.

“The DOT reiterates its support to the province of Palawan for the slow but safe reopening of its destinations,” ayon sa pahayag ng DOT.

Matatandaang nakaraang buwan, anim na mga turista mula sa Maynila ang nahuli sa Boracay dahil sa pamemeke ng kanilang swab test results na kasalukuyang humaharap sa kaso na inihain ng DOT.

SMNI NEWS