Dalawang violation sa ilalim ng ABS- CBN at AMCARA deal, nasilip

Dalawang violation sa ilalim ng ABS- CBN at AMCARA deal, nasilip

NASILIP ng isang franchise expert na may violation o paglabag sa batas ang deal sa pagitan ng ABS- CBN at AMCARA Broadcasting Network para sa digital broadcast ng Kapamilya Network. 

 

Sa panayam ng SMNI News, dalawang violation ang nakikita ng franchise expert na si Attorney Rolex Suplico kaugnay sa ugnayan ng ABS- CBN at AMCARA broadcasting network.

 

Ang AMCARA ang may-ari ng Digital Channel 43 kung saan umeere ang mga programa ng Kapamilya Network sa kanilang TV Plus.

 

Sa mga naganap na franchise hearing ngayong linggo, lumabas na pinakikinabangan ng ABS- CBN ang prangkisa ng AMCARA.

 

Depensa ng network, blocktimer lamang sila sa AMCARA at hindi nila pag-aari ito.

 

Ayon sa National Telecommunications Commission o NTC, dalawang channel ang inooperate ng ABS- CBN dito sa Metro Manila- ang ABS-CBN Analog Channel 2 at ang Channel Digital Channel 43.

 

Naunanang ipinasara ang operasyon Channel 2 matapos magpaso ang prangkisa nito noong May 4 habang nitong Martes lamang, June 30 nang ipahinto ng NTC ang pag-ere ng mga ABS- CBN programs sa Digital Channel 43.

 

Pinaiimbestigahan na rin sa National Bureau of Investigation o NBI ang ugnayan ng AMCARA at ABS- CBN.

 

Samantala, idinetalye naman ni Atty. Suplico ang plano ng ABS- CBN para masalba pa ang kanilang operasyon dahil wala na nga silang franchise.

 

Lunes sa susunod na linggo ay magpapatuloy ang ABS- CBN franchise hearing sa Kamara.

 

Patuloy na tinitimbang ng mga kongresista kung pagbibigyan ba ang franchise application  ng kompanya.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.