Daloy ng lava sa Bulkang Mayon, mabagal at may habang 1.6km

Daloy ng lava sa Bulkang Mayon, mabagal at may habang 1.6km

MABAGAL ang pagdaloy ng lava sa Bulkang Mayon at may haba na itong 1.6km sa Mi-Isi Gully at 1.2km sa Bongga Gully.

Habang ang pagguho ng lava hanggang sa 3.3km mula sa crater ng bulkan.

Ito ay batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology  (PHIVOLCS) simula alas singko ng Martes hanggang kaninang alas-singko ng umaga ngayong araw.

Sa ngayon ay nakataas pa rin ang Alert Level 3 o high level of volcanic unrest sa Bulkang Mayon.

Nakapagtala rin ang PHIVOLCS ng isang volcanic earthquake, 372 na rock event at pitong dome collapse pyroclastic density current events.

Patuloy ring nagpapaalala ang ahensiya na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa anim na kilometrong radius sa Bulkang Mayon.

Bawal din ang anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter