Damascus, Syria, napasakamay na ng mga rebeldeng grupo; President Assad, umalis sa bansa

Damascus, Syria, napasakamay na ng mga rebeldeng grupo; President Assad, umalis sa bansa

NAPASAKAMAY na ng rebel group na Hayat Tahrir al-Sham ang Damascus, Syria matapos ang ilang araw na pang-aatake nila sa capital city at iba pang lugar doon.

Disyembre 8 nang ito’y ianunsiyo ng rebeldeng grupo ngunit Nobyembre 27 nang mag-umpisa ang kanilang pag-atake sa Syrian Army sa Aleppo Province.

Sa naturang pag-atake sa Aleppo ay nasa 130 ang nasawi sa loob ng 24 oras.

Mula noon ay sunud-sunod na ang mga pang-aatake ng rebeldeng grupo sa iba’t ibang lugar.

Sa kabila nito ay ikinatuwa ng mga taga-Damascus ang pagtatapos ng pamamahala ng kanilang pangulo na si Bashar al-Assad dahil mas lumala naman anila ang ekonomiya ng Syria sa ilalim ng naturang pangulo.

Maliban pa dito ay hawak pa anila ng mga banyaga ang pamamahala ni Assad.

Sa kasalukuyan ay wala na sa Syria si Assad.

Sa kabilang banda, magugunitang matagal nang hawak ng Hayat Tahrir al-Sham ang mga lugar sa Syria tulad ng Aleppo, Hama at Latakia ngunit nitong Linggo lang nang makuha nila ang Damascus, ang capital city ng bansa.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter