Danao at pamilya ng hit and run suspek, hindi magkakilala – PNP

Danao at pamilya ng hit and run suspek, hindi magkakilala – PNP

INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na hindi magkakilala si PNP OIC PLtGen. Vicente Danao Jr. at ang pamilya ng suspek sa insidente ng hit and run sa Mandaluyong City.

Ito ay ayon mismo kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo kung saan sinabi nito na unang beses na nagkita ang pamilya ng suspek na si Jose Antonio Sanvicente at ni Danao sa naganap na presscon ng PNP noong Miyerkules.

Itinanggi rin ni Fajardo na binibigyan ng “special treatment” ang suspek sa kabila ng mga kritisismong natatanggap nito.

Nilinaw rin ni Fajardo na mayroon nang nakasampang kaso ang hanay ng PNP sa Mandaluyong Prosecutor’s Office laban sa suspek.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter