D’Angelo Russell ng Lakers, pinagmumulta ng $15-K

D’Angelo Russell ng Lakers, pinagmumulta ng $15-K

PINAGMUMULTA ngayon ng NBA si D’Angelo Russell ng Los Angeles Lakers ng halagang $15-K.

Para ito sa kaniyang pagsipa ng bola matapos manalo ang kanilang koponan kontra Golden State Warriors sa iskor na 145-144 nitong Enero 27, USA time.

Sa NBA, bagama’t hindi malisyoso o agresibong galaw ay paglabag pa rin ito sa panuntunan.

Sa nabanggit na laro ay nakapag-ambag si Russell ng 28 points at 5 assists.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble