Danish crown prince, magiging bagong hari matapos ang pagbibitiw ng reyna

Danish crown prince, magiging bagong hari matapos ang pagbibitiw ng reyna

UMUPO na bilang bagong hari ng Denmark si Crown Prince Frederik X.

Ito’y matapos ang kusang pagbibitiw ni Queen Margrethe sa edad na 83.

Ang pagbibitiw ng reyna ay isang makasaysayang sandali sa Denmark matapos naiulat na taon 1146 ang huling pagkakataong kusang nagbitiw ang isang hari sa puwesto na si King Erik III Lam.

Isyu sa kalusugan ang naging dahilan ng pagbibitiw ng reyna matapos itong sumailalim sa isang major back surgery noong Pebrero at hindi na bumalik sa trabaho hanggang Abril 2023.

Matapos ang coronation, pananatilihin ni Margrethe ang kaniyang titulo habang ang asawa ni Frederik ay magiging Queen Mary.

Samantala, ang panganay na anak nina Frederik at Mary na si Christian, ay tatanghalin bilang tagapagmana ng trono.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble