NAG-aalok ng P500-K ang Dapitan City para sa kung sino ang itatanghal na overall winner sa gaganaping 5150 Triathlon Dapitan ngayong Setyembre 10.
Maliban pa sa P500-K na reward sa overall winner, magkakaroon din ng P50-K at P30-K para sa itatanghal na Olympic at Sprint winners.
Mayroon ding P10-K bawat isa na kasali ng relay event; at P50-K para sa team na may pinakamaraming members.
Ang Top 3 na bagong bayani winners ay magkakaroon din ng P40-K, P30-K at P10-K.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naging host ng major endurance racing event ang Dapitan City.
Inaasahan na sa naturang event ay sasali ang maraming veteran at up-and-coming triathletes mula sa Pilipinas at sa ibang bansa.