NAGTULUNGAN ang Department of Agrarian Reform (DAR) at Ministry of Agriculture Fisheries (MAFAR), and Agrarian Reform sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang pataasin ang antas ng mga magsasaka at mangingisda sa Bangsamoro Region.
Ito ang tiniyak ni DAR Secretary Conrado Estrella III kung saan buo ang suporta nito para sa ikauunlad ng partnership ng DAR at MAFAR.
Lalong-lalo na aniya sa pagsisimula pa lamang pagdating sa pagpatutupad ng iba’t ibang programa sa repormang agraryo.
Binigyang-diin pa ni Estrella na mahalaga ang pagsusulong ng rural development at pagpapanatili ng Comprehensive Agrarian Reform Program na layong iangat ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda hindi lang sa Bangsamoro Region at iba pang lugar.