TUTULUNGAN ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang 57 na settlement areas sa bansa ayon kay Sec. Conrado Estrella III.
Kasunod ito sa pagkabuo ng isang project development team na siyang tutukoy kung ano ang kinakailangan ng mga settlement area upang mapabuti ang kanilang kalagayan.
Ang serbisyo na maaaring ibigay sa mga ito ay iba’t ibang training, market linkaging, pautang, farm-to-market road, tulay, irigasyon at maging ang pagkakaroon ng potable water system.
Kukunin ang pondo sa ilalim ng Official Development Fund (ODA) kung saan katuwang dito ang Japan, France, Spain at iba pa.