DAR, namahagi ng 32 ektaryang lupain sa Negros Occidental-North

IPINAMAHAGI ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang kabuuang 32 ektaryang agricultural lands sa 58 na mga magsasakang walang lupain na kinilala bilang agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Negros Occidental I.

21 ektaryang lupain naman ang iginawad sa 10 ARBs sa Cadiz City at 48 ARBs naman ang nabibiyayaan ng 11.27 ektaryang lupain sa Negros Occidental.

Ayon kay Cadiz City Municipal Agrarian Reform Program Officer (MARPO) Teresita Doromal, ang nasabing mga propyedad ay sa ilalim ng land acquisition and distribution process ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na nag-aatas sa DA na ipamahagi ang pampubliko at pribadong agricultural lands sa mga magsasaka na walang lupa.

Binati naman ni Toboso MARPO Jasmin Castillo ang mga bagong landowner at pinayuhan ang mga itong gawing produktibo ang mga lupain upang maiangat ang kanilang pamumuhay.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Bandila Barangay Captain Eulogio Julom sa DAR dahil sa pamamahagi nila ng lupain sa mga magsasaka.

SMNI NEWS