Dasal at donasyon, ipinanawagan para sa isa pang surgery ni Doris Bigornia

NANAWAGAN ang isang sports reporter na si Dyan Castillejo sa publiko na tulungan ang kasamahan nito sa ABS-CBN na si Doris Bigornia na nangangailangan ng dasal at donasyon para sa isa pang surgery ng kapwa reporter.

Ito ay sa pamamagitan ng pag-click ng link para sa nais magbigay ng donasyon sa gogetfunding.com/fundingdoris.

Kailangan ng ABS-CBN broadcast journalist ang P1.5-M para sa medical expenses nito.

Nakaraang Pebrero ay sumailalim si Bigornia ng open-heart surgery dahil nagkaroon ito ng atake sa puso kasabay ang pagsailalim sa dialysis procedure.

Kailangan ni Bigornia ang pacemaker ayon sa rekomendasyon ng doktor upang makontrol at maging normal ang tibok ng puso ng journalist.

Nagbunsod ito upang maglunsad ang anak ni Bigornia na si Nikki ng fundraising campaign dahil sa napakalaking gastusin na haharapin.

“While we are extremely grateful to those who have helped since mommy’s admission, after having been in the hospital for more than a month (and counting); it is, unfortunately, not enough,” ayon sa nakasaad sa fundraising campaign.

Sinabi ni Nikki sa kanyang fundraising campaign na na-diagnose ang kanyang ina sa heart failure o heart attack.

Aniya, naging matagumpay ang open-heart surgery noong Pebrero 25 ngunit kailangan ng kanyang ina ng pacemaker at dahil dito ay nangangailangan muli ito ng operasyon.

“We never would have thought that we would be in this situation; more so, helpless and humble in asking for everyone’s help financially,” panawagan ni Nikki sa kanyang fundraising campaign.

Sa nais namang tumulong ay maaaring bumisita sa link na ito: gogetfunding/fundingdoris  o hindi kaya ay direktang magpadala sa bank account sa Security Bank (Savings) Nicole Marie B. Sungalon 0399094817025

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.