Dating BuCor Chief Gerald Bantag, ikukulong sa PNP Custodial Center sakaling sumuko

Dating BuCor Chief Gerald Bantag, ikukulong sa PNP Custodial Center sakaling sumuko

IKUKULONG sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Quezon City si dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag sakaling sumuko ito.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla, dapat matiyak ang kaligtasan ni Bantag dahil mamimiligro ang buhay nito kung ilalagay ito sa Bureau of Jail Management and Penology o sa BuCor Prison Facility.

Samantala, sinabi rin ni Remulla na bibigyan pa nila ng ilang araw na palugit si Bantag para sumuko bago sila magsagawa ng aksiyon para arestuhin ito.

Wala rin aniyang bagong detalye kaugnay sa planong pagsuko na unang inihayag ng dating BuCor chief sa isang gabinete.

Mababatid na naglabas ng warrant of arrest laban kay Bantag ang Muntinlupa Regional Trial Court Branch 266 at Las Piñas Regional Trial Court Branch 254 matapos iturong mastermind sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid at sa testigong si Jun Villamor.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter