Dating Chinese POGO worker, arestado ng NBI dahil sa pagbebenta ng iligal na droga

Dating Chinese POGO worker, arestado ng NBI dahil sa pagbebenta ng iligal na droga

NAARESTO ng mga otoridad ang Chinese national na si Wang Kejun nitong Disyembre a-singko sa isang buy-bust operation sa Makati City.

Sinabi ni NBI Director Judge Jaime B. Santiago (Ret.), nakatanggap ang NBI-National Capital Region (NBI-NCR) ng impormasyon na si Wang Kejun, na kilala rin sa alyas na “Tang,” at ang kanyang mga kasamahan ay sangkot sa pagbebenta at pagpapakalat ng methamphetamine hydrochloride, o shabu.

Nabatid din ng NBI na ang suspek ay isang dating IT worker sa isang POGO hub, ay nagbebenta ng shabu sa kanyang mga dating kasamahan sa POGO at sa mga bagong kliyente na nagtatrabaho rin sa industriya.

Bagama’t maliit lamang ang halaga ng nakumpiskang droga na nasa humigit-kumulang ₱70,000 sa limang sachet, nagdudulot ito ng pag-aalala sa pinagmulan ng mga ito.

Ayon kay Director Santiago, patuloy na mino-monitor ng NBI ang mga dating Chinese POGO worker kasunod ng POGO ban.

“Isang patunay na ‘yung mga nagtatrabaho sa POGO, after itong POGO ay ipinagbawal na at we are closing down, lalo na ‘yung mga illegal, on that we arrested a POGO worker na pumasok na sa droga,” ayon kay Ret. Judge Jaime Santiago – Director, NBI.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble