Dating CTG finance officer sa dalawang mainstream media: “Bintang niyo, gawa niyo”

Dating CTG finance officer sa dalawang mainstream media: “Bintang niyo, gawa niyo”

MATAPOS mag-viral at umani ng maraming kumento mula sa netizens ang pagsisiwalat ng dating finance officer ng CPP-NPA-NDF na si Tess Veluz patungkol sa pagsuporta ng Liberal Party sa CPP-NPA-NDF, ay muli itong lumantad para sagutin ang mga tanong ng taumbayan na bakit ngayon pang namatay na ang founder ng CPP-NPA-NDF na si Joma Sison sila lumantad.

Binigyan-diin din ni Tess Veluz na ang midya ay isang makinarya ng CPP-NPA-NDF para linlangin ang taumbayan sa mga ginawang naratibo ng Partido Komunista ng Pilipinas para pabagsakin ang gobyerno.

Dagdag pa ni Veluz, parte na ang midya ng CPP-NPA-NDF, dahil na-indoctrinate na rin aniya ang mga ito sa linya ng makakaliwang grupo.

Ayon pa kay Veluz na ang mga bintang ng mga midya gaya ng ABS-CBN at GMA ay gawa na lamang din ng naturang estasyon para sa iisang layunin ng kilusan.

 

Follow SMNI News on Twitter