Dating DFA Sec. Del Rosario, kinwestyon hinggil sa Scarborough Shoal standoff

Dating DFA Sec. Del Rosario, kinwestyon hinggil sa Scarborough Shoal standoff

MULING binira ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sina dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio partikular na sa Scarborough Shoal standoff.

Kwestyon ng Pangulo kay Del Rosario, sino ang nag-atas dito na paatrasin ang barko ng Pilipinas sa kasagsagan ng Scarborough Shoal standoff.

“Noong nag-presidente ako wala ng barko doon, China lang. Ang 2014 much earlier before I became president 2016, napaalis na ni Albert. Ikaw Albert, Alberto, bakit mo pinaatras? Kaninong permission ka nanghingi? Ngayon kung wala kang maibigay, p***** i** mo, huwag mong ibigay sa akin ‘yong kasalanan mo. Naghahanap kayo ng libre,” pahayag ni Duterte.

Dagdag pa ng Pangulo, nais nitong paimbestigahan si Del Rosario sa naging utos nito.

 “The mystery question here is: was it approved by President Aquino? Siya ‘yong presidente eh. So, noong umalis na ‘yong coast guard, hindi umalis ang China ship. So, ang naiwan doon na barko China na, wala na tayo,” ani Duterte.

“Alam ninyo one day, one day you will be tasked to answer for that iyang pag-order ninyo, dapat imbestigahin ka. And if…I don’t know what will be the history of this country because if I were a leader anymore — I will execute you by hanging,” dagdag pa ng Pangulo.

Samantala, hinamon naman ng debate ni Pangulong Duterte si Carpio hinggil sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration.

 “Itong Carpio naman, sulat nang sulat ng mga decision para sa kanyang utak lang. Isa ring ugok itong… Bak… Supreme Court justice pareho man tayo abugado. Gusto — eh gusto mo mag-debate tayo? Mga dalawa, tatlong tanong lang ako. Sino ang nagpa-retreat? At anong ginawa ninyo after sa retreat? Nag-file ng kaso. Ngayon nanalo. Ma-enforce ba natin?” kwestyon ng Pangulo kay Carpio.

Sa huli, muling nanindigan si Pangulong Duterte na hindi ito makikipaggiyera sa China kasabay ng pagtitiyak na igigiit nito ang karapatan ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philppine Sea (WPS).

SMNI NEWS