Dating ES Medialdea ‘bihirang klase’ iniisip palagi ang kapakanan ni FPRRD—Sen. Padilla

Dating ES Medialdea ‘bihirang klase’ iniisip palagi ang kapakanan ni FPRRD—Sen. Padilla

PINURI ni Sen. Robinhood Padilla si dating Executive Secretary Atty. Salvador Medialdea, na aniya ay isang “bihirang klase” ng opisyal.

Sa kaniyang social media post noong Marso 19, 2025, ibinahagi ni Padilla na kahit sa gitna ng pagkahimatay ni Medialdea, si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte pa rin ang inaalala nito.

Ani Padilla, nang isinakay si Medialdea sa ambulansiya, ipinaalala pa rin nito ang mga kailangan ni Duterte.

Kasunod nito, ibinahagi rin ng senador ang naging mensahe ng dating ES. Pinasalamatan ni Medialdea si Padilla sa pag-aalaga sa kaniya at sa hindi pag-iwan sa kaniya.

Matatandaan na isinugod sa ospital si Medialdea matapos sumama ang kaniyang pakiramdam nang bumisita siya kay Duterte sa loob ng International Criminal Court (ICC) detention center.

Sa ngayon, stable na ang kondisyon ng dating executive secretary.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble