ISANG beterano at dating mataas na opisyal ng FBI ang inaresto kamakailan dahil sa umano’y pakikipagtulungan sa isang sanctioned Russian oligarch at pagtatago ng daan-daang libong dolyar na natanggap niya mula sa isang dating Albanian Intelligence agency.
Si Charles McGonigal, isang dating mataas na empleyado ng FBI, ay inaresto sa John F. Kennedy International Airport sa pagbalik nito mula sa pagbisita sa Sri Lanka.
Inanunsyo ang mga kaso ng US Attorney’s Office sa Washington, DC at sa Southern District ng New York.
Si McGonigal ay nahaharap sa mga kaso para sa pakikipagsabwatan, paglabag sa mga parusa ng US, money laundering noong 2021 kasama si Oleg Deripaska, isang oligarko ng Russia na pinarusahan dahil sa panghihimasok sa halalan sa pagkapangulo ng US noong 2016.
Si McGonigal ay humarap sa federal court noong Lunes at sinabi ng kanyang abogado na hindi siya mag-plead ng not guilty.
Inakusahan ng mga taga-usig si McGonigal, na bilang isang empleyado ng FBI, hindi niya ibunyag ang lahat ng paglalakbay sa ibang bansa at mga pakikipag-ugnayan sa mga dayuhang mamamayan.
Binigyan din siya ng mataas na halaga ng mga cash payments kasama ng mga taong nakatrabaho niya.
Nagbukas ang FBI ng imbestigasyon batay sa impormasyong natanggap nila mula sa dating Intelligence employee ng Albania.
Noong 2021, nagtatrabaho umano si McGonigal upang mangalap ng mga “dark web” na file para kay Deripaska para maihayag niya ang mga nakatagong asset na nagkakahalaga ng higit sa $500 milyong US dollars at iba pang mahalagang impormasyon.
Ang mabigat na kaso laban sa dating senior na opisyal ng FBI ay bihira lang at dahil dito, nahaharap si McGonigal sa gawaing pagtataksil para sa sariling interes.