Dating House Speaker Velasco nagpaabot ng suporta para kay FPRRD

Dating House Speaker Velasco nagpaabot ng suporta para kay FPRRD

NAGPAKITA ng suporta para kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte si dating House Speaker Lord Allan Velasco.

Sa isang post ni Velasco noong Martes, Marso 11, 2025, ibinahagi niya ang isang larawan ni FPRRD na may caption na “I am a Filipino.”

Bukod pa rito, may nakalakip nang text sa larawan ni FPRRD na “I am not a Filipino for nothing.”

Mapapansing naunang nag-post ng ganitong caption si Vice President Sara Duterte noong parehong araw. Sinabi pa ng Pangalawang Pangulo na ang totoong Pilipino ay hindi kailanman susunod sa mga dayuhan sa loob ng sariling bayan.

Kilala si Velasco bilang malapit na kaibigan ni VP Sara at nagsilbi rin siyang House Speaker noong 18th Congress kung saan Pangulo pa si FPRRD.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble