Dating Justice Secretary Aguirre, iginiit na hindi niya pinilit si dating BuCor OIC Ragos para tumestigo laban kay dating Sen. De Lima

Dating Justice Secretary Aguirre, iginiit na hindi niya pinilit si dating BuCor OIC Ragos para tumestigo laban kay dating Sen. De Lima

TINAWAG ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre na sinungaling si dating Bureau of Corrections Officer in Charge Rafael Ragos na nagsabing pinilit lang siyang tumestigo laban kay dating Senador Leila de Lima sa drug cases nito.

Sinabi ni Aguirre na bilang patunay ay hawak pa niya hanggang ngayon ang kopya ng video habang nagbibigay ng testimonya si Ragos sa Public Attorney’s Office at doon makikita na hindi naman siya mukhang pinipilit.

Iginiit pa ni Aguirre na imposibleng pinilit lang si Ragos dahil kitang-kita sa video ang paraan ng kanyang pagpapaliwanag na masaya at pangiti-ngiti pa ito habang nagbibigay ng salaysay o kanyang mga nalalaman sa krimen.

Matatandaang isa si Ragos sa mga testigo laban kay De Lima pero kalaunan ay binawi ang testimonya at sinabing pinilit lang siya ni Aguirre para tumestigo at idiin ang dating senadora.

Follow SMNI News on Twitter