Dating kaalyado ni Leni Robredo, si BBM ang suportado ngayong halalan

Dating kaalyado ni Leni Robredo, si BBM ang suportado ngayong halalan

SI presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang susuportahan ng dating Energy Secretary ni Noynoy Aquino na si Jericho Petilla ngayong halalan.

Sa kabila ito ng pagsuporta ni Petilla kay Vice President Leni Robredo nang ito’y tumakbo noong 2016 elections.

Ayon kay Petilla, taga Leyte si BBM dahil ang ina nitong si Imelda Marcos ay nagmula sa Tacloban kung kaya’t sinusuportahan niya ito.

Sa nasabi ring rason, magiging kalamanganan aniya ito para sa Leyte dahil kauna-unahang pagkakataon na may tumatakbo sa pagka-pangulo mula sa kanilang probinsya.

Si Petilla ay nasa ilalim ng PDP-Laban simula pa noong 2017 subalit tumakbo na rin ito noong 2016 sa ilalim ng Liberal Party ng mga Aquino.

Sinabi ni Petilla na lumipat siya sa PDP-Laban upang mabigyan ng kaukulang atensyon ang Leyte mula sa administrasyong Duterte.

Follow SMNI NEWS in Twitter