Dating Lipa City Mayor, dumulog sa DOJ kaugnay sa umano’y investment scam

Dating Lipa City Mayor, dumulog sa DOJ kaugnay sa umano’y investment scam

PERSONAL na nagtungo sa Department of Justice (DOJ) ang dating mayor ng Lipa City, Batangas na si Mayor Meynard Sabili at sinamahan at tinulungan na maghain ng reklamo ang higit 100 nilang kababayan na nabiktima umano ng panloloko.

Partikular na inirereklamo ang isang Engr. Ronald Rivera na isa umano sa representative at presidente ng Rivercom Construction Development Inc.

Ayon kay Mayor Sabili, noong panahon na nakaupo siya sa pwesto ay pinaalis niya ang kompanya ni Rivera dahil sa ilang reklamo na kaniyang natatanggap mula sa mga residente, pero nagulat siya nang nakabalik ito sa Lipa kung saan nagawa nitong manghikayat ng ilang indibidwal upang mag-invest sa kaniyang kompaniya.

Sinabi pa ni Sabili na nais sana ng mga nagrereklamo na makausap si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, subalit may nakatakdang lakad ang kalihim pero tiniyak nito kay Sabili na agad niyang paiimbestigahan ang insidente sa NBI Anti-Fraud Division.

Kaugnay nito, nananawagan si dating Mayor Sabili sa iba pang indibidwal na naloko ni Rivera kung saan nakarating din sa kaalaman ng alkalde na bilyung piso na ang natangay nito kaya’t naniniwala siya na may sindikato na nasa likod nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter