Lugar na dating sakop ng NPA sa Agusan del Norte, ginawan ng 3.1-km road project

Lugar na dating sakop ng NPA sa Agusan del Norte, ginawan ng 3.1-km road project

NITONG linggo lamang nang opisyal na binuksan ang 3.1 kilometer road project sa Barangay Talo-Ao Beunavista, Agusan del Norte.

Ang nasabing barangay ay isa sa mga lugar na apektado ng impluwensiya ng CPP-NPA terrorist.

Malaya na para sa lokal na panlalawigan ng Agusan del Norte ang kasalukuyang estado ng pamumuhay ng mga residente sa lugar.

Isa ang Agusan del Norte, partikular na ang mga liblib na lugar dito na tahasang pinamumugaran ng mga miyembro ng CPP-NPA terrorist groups.

Sa mga lugar na ito isinasagawa ang ibat-ibang programa, aktibidad at propaganda ng mga komunnistang grupo sa mga inosenteng sibilyan, mula sa mga kabataan hanggang sa mga mahihirap na mga pamilya

Pero matapos ang ilang buwan, heto at  masarap na anila sa pakiramdam ang pagbabago, kaginhawaan at kalayaang mamuhay ng walang takot o pangamba sa bawat lalabas sila ng kanilang tahanan.

Ayon sa pamunuan ng Philippine Army, wala nang makapipigil pa sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga residente sa lalawigan ng Agusan del Norte ngayong tuluy tuloy na ang development projects sa lugar sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at local DILG.

Ayon kay Lt. Col. Julius Cesar Paulo, commander ng 23 Infantry Brigade, nakikita na nito ang pagbuhos ng maraming oportunidad sa barangay sa pagtatapos ng proyekto at hindi hindi na magugulo pa mula sa banta ng CPP-NPA.

“The completed road project will completely transform Barangay Talo-ao, from being a threatened community to a barangay filled with opportunities for development, especially for the residents,” pahayag ni Paulo.

“Barangay Talo-ao is one of the developed areas in Buenavista with the road in place, the delivery of government programs and projects will no longer be hampered,” dagdag ng opisyal.

Nauna na ding napasinayaan ang P20 million road project ng Regional Task Force ELCAC sa Caraga Region sa Barangay Mahaba, Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Ayon sa 4ID, itinuturing na cleared barangay ang lugar matapos ang ilang immersions at aktibidad ng Philippine Army at LGU sa mga komunidad sa buong Caraga Region at Eastern Mindanao  Command.

“Lahat na Barangay na binigyan ng road projects ng NTF ELCAC were all cleared barangays,” ayon kay Major Francisco Garello, CHIEF, public affairs, 4ID.

Samantala, 5 pang natitirang miyembro ng CPP-NPA ang sumuko naman sa 23rd IB sa pakikipagtulungan ng Butuan City Police Office.

Ayon sa testimonya ng lahat, napapagod na sila sa kakatakbo at pag-iwas habang hinahabol sila ng mga otoridad sa kabundukan sa rehiyon ng CARAGA.

Giit pa nila, wala na rin silang makuhang suporta dahil sa sunud-sunod na pagsuko ng mga kasamahan nila at kawalan na rin ng suplay ng pagkain.

“These exhausted and fatigued remnants of DGF-4A have indicated their refusal and disinclination to continue with the hopeless armed struggle being espoused by the Communist Party of the Philippines (CPP) and the NPA. According to them, they chose to surrender because of the lack of mass support as a result of the relentless military operations and the surrender of the movement’s mass supporters in communities. With the loss of mass support, the remnants of DGF-4A are facing difficulties in their recovery works and have to endure hardships and starvation in the mountains due to the lack of food,” ayon kay Paulo.

BASAHIN: NTF-ELCAC funds para sa barangay development, hindi dapat patagalin — Badoy

SMNI NEWS