Dating Mandaluyong Mayor Benhur Abalos, bagong pinuno ng MMDA

ANG dating Mandaluyong Mayor na si Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na ang bagong pinuno ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ito ang inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go at MMDA General Manager Jojo Garcia.

Si Abalos ang papalit kay Danilo Lim na pumanaw noong nakaraang linggo.

Sa kabila nito, mananatiling MMDA General Manager si Undersecretary Garcia.

Naging alkalde ng lungsod ng Mandaluyong si Abalos noong 1998 hanggang 2004, at mula 2007 hanggang 2016.

Naging representante din ito ng lungsod simula 2004 hanggang 2007.

Samantala, ipinahayag ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos sa SMNI News na manunumpa ang kanyang asawa ngayong araw, Enero 11.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.