Dating NTF-ELCAC official, inilatag ang mga ambag ni VP Sara Duterte vs CTGs

Dating NTF-ELCAC official, inilatag ang mga ambag ni VP Sara Duterte vs CTGs

ISANG araw bago ang kaarawan ni Vice President Sara Duterte sa Mayo 31 ay nagpahayag ng paghanga ang isang dating government spokesperson sa mga naging ambag ni Duterte sa laban kontra communist terrorist groups (CTGs) na CPP-NPA-NDF.

Lalo na at si VP Sara din ang Education Secretary ng bansa.

Sa panayam ng SMNI, iginiit ni former NTF-ELCAC Spokesperson Dr. Lorraine Badoy na malaking tinik sa lalamunan ng ACT-Teachers at Kabataan Party-list ang bise presidente.

Lalo na sa recruitment ng mga guro at estudyante sa makakaliwang operasyon.

“Napakalaking balakid. Dumating na ‘yung pinakamalas sa buhay nila. You know why? Kasi si VP, ang vice president natin nakausap ko ‘yan eh. Ano ‘yung puso niya, puso ng nanay din noh. Ang pagkakaiba kasi ngayon, alam na natin ‘yung information. Si vice president dahil taga Dabaw siya, first hand ang kaniyang experience sa karahasan sa CPP-NPA-NDF. Naging mayora pa,” ayon kay Dr. Lorraine Badoy, Former NTF-ELCAC Spokesperson.

Kilala si VP Sara na all-out sa kampanya kontra komunista kahit na noong mayora pa lamang siya ng Dabaw.

Dahil diyan, target siya lagi ng mga black propaganda ng left-leaning party-list organization.

“Mga kababayan, gusto kong malaman ninyo na ang tanging layunin ng CPP, NPA, at NDFP ay sirain ang pundasyon ng ating demokrasya, pabagsakin ang mga institusyon ng pamahalaan, at kaladkarin tayo sa kahirapan, kaguluhan, at kawalan ng hustisya,” pahayag ni Vice President Sara Duterte, Republic of the Philippines.

“Alam na alam niya ‘yan at hindi din siya titigil. So gaano kalaking balakid? Napaka-swerte natin na ang ating DepEd Secretary ay ganyan. Kilalang-kilala niya ang CPP at hindi siya mag-aatubili na gawin kung anong dapat niyang gawin,” dagdag ni Badoy.

Kahit pina-pagresign man sa puwesto bilang Education Secretary, hiling ni Dr. Badoy sa kaarawan ni VP Sara ang patuloy na kalakasan.

At manatiling tapagbantay ng mga kabataan laban sa NPA recruitment.

“We’re very grateful na Vice President, na Deped Secretary, sakto talaga. Very brave, very courageous, very clear at kilalang-kilala niya ang kalaban na ito at hindi siya natatakot,” giit ni Badoy.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter