ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang dating opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Yogi Filemon Ruiz bilang acting Bureau of Customs (BOC) chief.
Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
“President Ferdinand R. Marcos Jr. swore into office yesterday 20 July 2022, Yogi Filemon Ruiz as acting commissioner, Bureau of Customs,” pahayag ni Cruz-Angeles.
Papalitan ni Ruiz si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Nagsilbi si Ruiz bilang chief ng Enforcement and Security Service (ESS) ng BOC noong 2017 kung saan hawak nito ang Customs police.
Dati ring nanilbihan si Ruiz bilang regional director ng PDEA Central Visayas.
Ang BOC ay sangay na ahensiya ng Department of Finance (DOF) na inatasang mag-assess at mangolekta ng Customs revenue, pagkontrol sa mga iligal na kalakalan at lahat ng uri ng pandaraya sa Customs, at mangasiwa sa kalakalan sa pamamagitan ng Customs Management System.