Dating opisyal ng Ramos at Duterte administration, kinuwestiyon ang panggigipit kay Pastor Apollo

Dating opisyal ng Ramos at Duterte administration, kinuwestiyon ang panggigipit kay Pastor Apollo

KINUWESTIYON ng dating presidential adviser at consultant ng Ramos at Duterte administration ang ginagawang panggigipit ng pamahalaan laban sa religious leader ng the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

“That’s why all of this thing is moro-moro. That is what the Senate is doing, Hontiveros?” ayon kay Jose Alejandrino, Former Assistant Adviser, FVR; Former Consultant, FPRRD.

Ito ang binitawang salita ng presidential assistant ni dating Pangulong Fidel V. Ramos at consultant ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Jose Alejandrino sa eksklusibong panayam ng SMNI News.

Ang naturang pahayag ng dating kawani ng gobyerno ay kaugnay sa mga paratang at gawa-gawang akusasyon laban sa religious leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Nitong nakaraang araw, umabot sa P10-M na halaga ng pabuya ang inilaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa makapagtuturo kung nasaan si Pastor Apollo.

Ayon kay Alejandrino, nagtataka siya kung bakit ganito na lang kung umasta ang pamahalaan gayong hindi pa naman napapatunayan sa korte kung tunay ba na may kasalanan ang butihing pastor.

“There is a case, I don’t know the details of the case alright? But you know there is a presumption of innocence as far as I can see it until Quiboloy is found guilty by a court and that is beyond reasonable doubt,” ani Alejandrino.

“Until Quiboloy is found guilty by a court beyond reasonable doubt the presumption is that he is innocent,” dagdag pa nito.

Binigyang-diin ni Alejandrino na hindi tama ang ginagawa ng Senado na magpapatawag ng hearing pagkatapos ay tutugusin na kaagad ang mga taong nadamay kahit pa hindi napapatunayan na may kasalanan, dahil ang Senado aniya ay hindi korte.

“You cannot do what they’re doing in the Senate committee of Hontiveros. Go and do a witch hunt and conduct a trial which you have no jurisdiction. The jurisdiction of trying a person belongs to court and a Senate committee is not a court what they’re doing is wrong,” giit pa ni Alejandrino.

Tungkol naman sa mga testigo, sinabi ni Alejandrino na kung tunay nga na mayroong biktima ay dapat na humaharap ito nang maaayos at hindi nakasuot ng maskara, kaya sa kabuuan ang lahat na ginawa ni Risa Hontiveros sa Senado ay walang due process.

“And besides, there is another aspect of due process Quiboloy who has been accused by this certain woman has the right to face his accuser because this woman turned up there by the hearing wearing mask. You can’t even know who they are they could be anybody. How do you know the real victims, you cannot and you’re going to take the word of it? Andun sila nakamaskara? The whole thing is lack of due process,” saad pa nito.

Aniya, isa lang ang kaniyang nakikitang dahilan kung bakit ito ginagawa ng kasalukuyang administrasyon sa KOJC at sa SMNI at lalo’t higit kay Pastor Apollo, ito ay upang hindi mabigyan ng pagkakataoon na maihayag ni dating Pangulong Duterte ang mga katiwalian at baluktot na paraan ng Marcos administration.

“If there some people there who are real victims they should go to court and there is a procedure, now why they are doing it the other way? Through using the Senate platform to do a trial by publicity of Quiboloy? There is only one answer because they want SMNI shutdown because they don’t want SMNI a platform for Digong to use, it’s a simple as that, that is the real intent,” saad ni Alejandrino.

Dagdag pa nito na ang ginawa ng Marcos administration kay Pastor Apollo ay kahalintulad nang ginawa nila kay former Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag na kung saan pinahiya lang sa isang committee hearing na walang sapat na ebidensiya at ngayon ay binansagan na nilang pugante kahit walang sapat na katibayan at ito aniya ay maihahalintulad rin sa isang Neo-Nazi tactics.

“Just like Bantag, they carry out trial by publicity against Bantag and where is Bantag now? Why is he not, why there’s no trial? Because they do not have enough evidence to convict him? If they have enough evidence then Bantag should be in jail by now but Bantag is not in jail why? There’s no trial, why? Because their trial by publicity was afar the same thing their applying to Pastor Quiboloy. This are Neo-Nazi tactics,” giit pa nito.

Kinuwestiyon din nito ang pagpabor ng mainstream media sa mga paratang ni Hontiveros gayong wala pang kasalanan ang butihing pastor.

“And as I said until Quiboloy is found guilty beyond reasonable doubt by a court he is presumed being innocent. So, what is the press is doing who are covering the Hontiveros hearing is wrong because you are assuming that he is already guilty,” saad ni Alejandrino.

Ipinunto nito na lahat ng ginagawa ng administrasyon ay labag sa Konstitusyon at ginagawa aniya nila ito kahit mali, upang patahimikin ang mga kritiko ng gobyerno.

“So, what is this government is doing is violating all the provisions of the Constitution. So, you know when you look at everything of what is happening, mali. What they’re doing is wrong. Yes, they are using by closing SMNI, they are depriving the critics against government. The right to decent, to express their opinion. In other words, to be all hullabaloo about Quiboloy is to pressure Quiboloy not to give Digong a platform to criticize them. This is how I see it,” dagdag pa nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble