MAINIT na pagbati at buong suporta ang tinitiyak ng AirAsia Philippines kay Ginoong Jaime Bautista bilang magiging Department of Transportation (DOTr) Secretary ng bansa.
Kumpiyansa ang AirAsia Philippines sa magiging matagumpay na liderato ni Jaime Bautista pagdating sa sektor ng aviation sa ilalim ng DOTr.
Sa panayam ng SMNI News kay AirAsia Philippines spokesperson Steve Dailisan, kahit noon pa man naging presidente ng Philippine Airlines si Jaime Bautista ay kabisado na nito ang mga posibleng kahaharapin na hamon pagdating sa sektor ng aviation.
Ani pa Dailisan, dahil bihasa na si Bautista ay marami itong maibabahaging pagbabago pagdating sa aviation at sa panig ng airline industry.
Ayon pa sa tagapagsalita ng AirAsia sa ngayon wala pa naman nangyayaring pulong sa pagitan ng magiging kalihim ng DOTr at ng Air Carrier Association of the Philippines (ACAP) ay posibleng isa sa mga pagtutuunan ng pansin dito ay may kaugnayan sa modernization, pagbabantay sa presyo ng produktong petrolyo kung saan apektado rin ang aviation sector.
Pagkakaroon ng pagbabago sa services sa lahat ng paliparan sa bansa pati na rin ang fuel surcharge.
Sa kabila nito tinitiyak ng AirAsia Phil. na suportado nila ang bagong kalihim sa anumang mga programa at mga proyektong ihahain nito.