Dating Pangulong Duterte, ayaw munang husgahan si PBBM

Dating Pangulong Duterte, ayaw munang husgahan si PBBM

WALANG komento si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa performance ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa nalalapit na pagsapit ng ika-isandaang araw nito sa pwesto.

Sa panayam sa Pasay sa naganap na PDP-Laban National Assembly ngayong araw, giit ng dating Pangulo na nasa honeymoon stage pa si Pangulong Marcos at ayaw nitong husgahan agad ang bagong Pangulo.

Bagkus, nagpahayag ng suporta si PRRD kay PBBM at hangad nito ang tagumpay ng kanyang administrasyon.

‘’We are supporting the President all the way so that he will succeed. If he succeeds it will be down for the benefit of our country,’’ saad ni dating Pangulong Duterte.

Saad pa ni dating Pangulong Duterte na ‘deserve’ ni PBBM ang honeymoon period sa kanyang first 100 days sa pwesto.

Follow SMNI NEWS in Twitter