Dating Pangulong Joseph Estrada, isinugod sa ospital dahil sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si dating Pangulong Joseph Estrada.

Ikinumpirma ito ng kanyang anak na dating aktor at senador na si Jinggoy Estrada sa kanyang Facebook post.

Ayon kay Jinggoy, isinugod nila sa ospital kagabi, Marso 28 ang kanyang ama dahil sa panghihina ng katawan nito.

At doon ay na-diagnose ang dating pangulo na positibo ito sa COVID-19.

Stable naman aniya ang kondisyon ng kanyang ama at humiling sa publiko ng panalangin para sa agarang paggaling nito.

Si Joseph Estrada na kilala sa pangalang Erap ay isang dating aktor na nagsilbi bilang ika-13 presidente ng Pilipinas noong 1998 hanggang 2001.

Naging bise presidente rin si Estrada noong 1992 hanggang 1998.

Pang-26 na mayor ng Maynila mula 2013 hanggang 2019.

(BASAHIN: Marawi City Mayor Gandamra, nagpositibo sa COVID-19)

SMNI NEWS