TUMITINDI pang lalo ang giyera sa pagitan ng Israel at Iran sa Gitnang Silangan sa pagpasok ng Amerika sa eksena.
Kamakailan, kinumpirma ni US President Donald Trump na binomba nila ang mga nuclear facility ng Iran.
Para kay dating Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ngayon pa lang ay dapat nang magkaroon ng malinaw na plano ang pamahalaan para sa posibleng epekto nito sa Pilipinas.
Unang-unang maaapektuhan—ang presyo ng produktong petrolyo.
Ngayong linggo, halos P5 kada litro ang itataas sa presyo ng oil products.
Kasunod nito, tiyak na tataas din ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo dahil sa apektadong importasyon ng mga produkto.
“Ang effect nito tinatawag nating geopolitical depose ay on matters like trade importations, sa pricse ng langis at ang inflation dito sa atin,” ayon kay Atty. Trixie Cruz-Angeles, Former Press Secretary.
Kung walang konkretong paghahanda, babala ni Atty. Cruz-Angeles, lalong maghihirap ang buhay ng mga Pilipino.
Kaya habang hindi pa lubusang tumataas ang presyo ng mga bilihin, dapat ay may nakaabang nang stockpile ng pagkain, gamot, at tubig ang gobyerno.
Dapat aniya itong tumagal ng dalawa hanggang apat na linggo, depende sa tindi at tagal ng gulo sa Gitnang Silangan.
“Bakit? Kasi ‘yung mga spikes ng increase of prices might affect our ability to keep buying,” giit ni Atty. Trixie.
Giit pa ng dating opisyal, kailangan ding bawasan ng gobyerno ang non-essential spending.
Dapat ihanda ang publiko sa work-from-home setups at mga skills training, at magkaroon ng polisiya para sa backyard farming upang matiyak na may sariling tanim na gulay ang bawat pamilya sakaling tumagal ang krisis.
“Maintain emergency funds because you don’t know what will happen. Posibleng kung lumalala ang sitwasyon o kung tumagal ito, there might be an uncertainty that could result to job losses,” aniya pa.
Sa kabilang banda, naniniwala si Atty. Cruz-Angeles na may negatibong epekto rin sa ekonomiya ang labis na pagkiling ni Pangulong Marcos Jr. sa Amerika na ngayo’y sumali na rin sa giyera.
Binatikos naman ni VP Sara Duterte ang foreign policy ng administrasyon na tila lumilihis sa pagiging independent.
“Iyon ‘yung problema noong lumayas na tayo sa friend to all enemies to non na polisiya ay hindi na kumbaga ay masyado tayong identified sa US is very-very dangerous for us sometimes,” giit nito.
VP Sara Duterte, binatikos ang pro-US foreign policy ng Marcos Jr. administration
“I do not understand why is our independent foreign policy lost in the discussions. Dapat niyan kaibigan mo lahat, huwag kang kumampi! Dahil hindi mo naman problema ang problema nila. Hindi mo naman away ang away ng isa,” saad ni Vice President Sara Duterte.