Dating PGMA, hinihikayat si FPRRD na muling maging aktibo sa politika—Sen. Go

Dating PGMA, hinihikayat si FPRRD na muling maging aktibo sa politika—Sen. Go

HINIHIKAYAT ni dating Pangulo at House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na muling maging aktibo sa politika.

Ilang araw matapos kumalat sa social media ang mga larawan na magkasama sina dating Senate President Tito Sotto, dating Pangulo at kasalukuyang House Deputy Speaker Gloria-Arroyo, dating Executive Secretary Salvador Medialdea.

At kasama si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan nagbigay ng kaniyang pahayag dito si Senator Christopher “Bong” Go.

“Inanyayahan ni dating Pangulong Gloria Arroyo, sa pamamagitan ng kanilang mga staff, sa isang impormal na pagkikita si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasa Maynila noong panahong iyon. Nagkataong magkasama kami ni Tatay Digong noon matapos ko siyang samahan sa kanyang medical checkup sa hospital, gaya ng dati kong ginagawa sa kanya,” saad ni Sen. Christopher “Bong” Go.

Sa isang pahayag sa media, sinabi ni Go na ito ay simpleng kamustahan lamang at masayang pagkikita ng mga opisyal ng nakaraang administrasyon.

Kanila lamang inalala aniya ang mga sandali nang sila ay magkakasama na naglilingkod sa gobyerno.

“Sa nasabing pagkikita, kinukumbinsi din ni dating Pangulong Arroyo si dating Pangulong Duterte na maging aktibo muli sa pulitika,” dagdag ni Go.

Pero may pahabol si Sen. Go na kilalang malapit kay dating Pangulong Duterte, ayon kay Go, hinihikayat ni Arroyo si Duterte na muling maging aktibo sa politika.

Dagdag ni Go, inimbitahan ni Arroyo para sa isang informal meeting si Duterte na nagkataong nasa Maynila para sa isang checkup.

Sa tulong naman ni Medialdea ay sumabay na rin sa pagkikita si Sotto na itinuturing na kaibigan si dating Pangulong Duterte.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble