NAKAMIT na ng pamilya Gregorio ang hustisya na kanilang isinisigaw sa pagpaslang sa kanilang mag-ina matapos mahatulan ng ‘reclusion perpetua’ o life imprisonment sa bawat ‘count of murder’ ang dating Police Sergeant Jonel Nuezca sa Tarlac.
Nahatulan na ng double lifetime imprisonment si Jonel Nuezca na pangunahing suspek sa pamamaslang sa mag-inang Sonya Gregorio at Frank Gregorio nitong nakaraang taon sa Tarlac.
Matatandaan na walang awa nitong pinaslang ang mag-ina dahil lamang sa naingayan si Nuezca.
Sa isang pahayag sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen Guillermo Eleazar na sinabi nito na ito ay patunay na walang pinapaburan ang kanilang hanay sa mga ganitong uri ng pulis.
Umabot din ng halos isang taong ang pagproseso sa kaso laban kay Nuezca at ngayon ay tuluyan na nga itong naparusahan.
Sa ngayon ang hinihintay na lamang ng PNP ang isa pang kaso ng isang pulis QC na si Zinampan na brutal ding pinaslang ang isang ginang dahil sa kanyang kalasingan kaya nawala ito sa katinuan.
Ang nasabing paghatol kay Nuezca ay nagpapatunay lamang na may pangil ang batas sa bansa na walang pinipili ordinaryo mamamayan man o nasa katungkulan.
Pamilya Gregorio, masaya sa paghatol ng guilty kay Nuezca
Nagagalak ang pamilya ng pinaslang ng pulis na si Sonia Gregorio at anak nito na si Frank Anthony matapos mahatulan na ng guilty si Jonel Nuezca ng hanggang apatnapung taon pagkaka-kulong.
Ayon kay Mark Christian Gregorio, anak ng pinaslang na ginang may peace of mind na ang kanilang pamilya dahil sa hatol.
Ayon kay Judge Stella Marie Gandia-Asuncion ng Paniqui Tarlac Regional Trial Court Branch 16, Jonel Nuezca ay guilty “beyond reasonable doubt” ng 2 counts ng murder dahil sa pagkakapaslang sa mag-ina.
Ani Mark Christian, napatawad na nila ang pulis ngunit kailangan nitong pagdusahan ang kasalanang nagawa.
Nagpapasalamat din ang Pamilya Gregorio sa lahat ng mga tumulong sa kanila upang makamit ang hustisya.