Dating PRRD, nanawagan sa mga Pilipino na suportahan ang bagong administrasyong Marcos

Dating PRRD, nanawagan sa mga Pilipino na suportahan ang bagong administrasyong Marcos

“Tulungan natin sila, tulungan natin si Marcos”

Ito ang panawagan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga Pilipino na suportahan ang bagong administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Base ito sa video message ng dating Pangulo na ibinahagi ni dating acting Presidential Spokesperson and PCOO Secretary Martin Andanar sa mga reporter.

Samantala, nagpasalamat din ang dating Pangulo sa mga miyembro ng kanyang Gabinete na nakasama niyang maglingkod sa nakalipas na 6 na taon.

Naniniwala rin ang dating Pangulo na nabuo niya ang isa sa pinakamahusay na Gabinete.

Kaninang tanghali nang magtapos ang termino ni dating Pangulong Duterte.

Follow SMNI NEWS in Twitter