Dating PRRD, patuloy na hinahamon ang Kamara na magpa-audit

Dating PRRD, patuloy na hinahamon ang Kamara na magpa-audit

SA kaniyang programa nitong Martes ng madaling araw, sinagot ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang hakbang ng Kamara na idipensa ang kanilang hanay sa mga isyung nakaaapekto sa kanilang integridad.

Matapos mag-convene bilang Committee of the Whole ay nagpasa ng House Resolution ang Kamara para panindigan ang pagsuporta sa liderato ni Speaker Martin Romualdez.

At igiit ang pagpapanatili sa reputasyon ng Mababang Kapulungan.

Hindi binanggit ang pangalan ni dating Pangulong Duterte sa House Resolution 1414 na inaprubahan.

Ngunit ang dating Presidente na naging congressman din noon ang nagsabi na isa sa mga pinaka-corrupt na ahensiya ang Kamara at dapat maimbestigahan.

Kaya hinamon niya itong magpa-audit ang Kamara para malaman ng mga Pilipino kung paano ginagamit ang pondo ng pamahalaan.

Depensa dito ni Speaker Romualdez,

“My fellow legislators, it is true that we, the members of this 300-plus strong chamber, compose a cluster of high-minded individuals possessing a diversity of passionate views and different political perspectives. However, we remain steadfast as we set our differences aside and become fiercely united whenever the institution we courageously devote our efforts to, or any individual member of this chamber for that matter, is being threatened by opportunistic motives that aim to distract us from fulfilling our mandate,” ayon kay Speaker Martin Romualdez, House of Representatives.

Welcome development naman ang reaksiyon dito ni dating Pangulong Duterte.

“E di kung ang sinasabi niya ay totoo, edi maganda, wala tayong problema if what he is saying is really true, and if it’s what happening right now then, we should be thankful to Romualdez,” ayon kay Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Giit din ng dating Presidente, mananatili ang kaniyang hamon sa Kamara na magpa-audit.

Nilinaw rin nito ang konteksto ng kaniyang hamon.

Na kung may duda ang taumbayan kung paano ginagamit ang pera ng gobyerno ay ang pagsalang sa audit ang pinakaparaan para masuri ito.

“Hindi ka man mag-release ng intelligence fund dyan sabihin mo ng 100 pesos, it’s always by the millions. So, sabi ko, the safest way to do if you’re really…kung diskompiyado kayo at kayo naman dyan sa Congress then, we can go into audit para malaman natin, malaman ng taong bayan,” dagdag ng Dating Pangulo.

“Iyon kasing audit hindi naman pina-publish eh, but if there is something wrong then we can always demand the information given to the public because under the Constitution, the right to be informed is sacred,” ayon pa kay FPRRD.

Follow SMNI NEWS on Twitter