Dating pulis na most wanted, arestado sa Negros Occidental

ARESTADO ang isang dating pulis na ngayon ay isa sa mga most wanted person ng bansa sa Negros Occidental.

Kinilala ang suspek na si Anecio Lapara Jr., aka “Dondon”/”Junior Pulis” na naaresto ng mga pulis kagabi ng Linggo sa Lapaz Street, Barangay 1 Poblacion sa La Carlota City ng nasabing lalawigan.

May tatlong magkahiwalay na kaso si Lapara para sa robbery at illegal possession of firearms ngunit nakatakas ito mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Ormoc City habang dinidinig pa ang kaso nito.

Nasa listahan ngayon ang suspek bilang isa sa mga most wanted person na may pabuya sa ilalim ng Department of National Defense (DND) at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) memorandum circular No.2002-39.

Nabatid din sa report na miyembro ang suspek ng Philippine Constabulary 88 at natanggap sa PNP noong 1991 ngunit tumiwalag mula sa serbisyo noong 1999, at naging lider ng isang criminal gang na may operasyon sa Region 7 (Center Visayas) at Region 8 (Eastern Visayas).

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.