MAY bago nang itinalagang hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kinumpirma ito ni Office of the Press Secretary-OIC Undersecretary Cheloy Velicaria-Garafil.
Ayon sa OPS-OIC, itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Special Action Force commander at police retired General Moro Lazo bilang bagong Director General ng PDEA.
Tubong Laoag City si Lazo at isang Ilokano na naitalagang SAF commander noong 2015.
Papalitan ni Lazo si Wilkins Villanueva na 2 dekada ring nagsilbi sa hanay ng drug law enforcement.
Samantala, nagpasalamat naman si Villanueva kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na siyang nag-appoint sa kanya bilang PDEA Chief.
Pinasalamatan din ni Villanueva si Pangulong Marcos dahil hinayaan siyang manatili sa posisyon hanggang nakapagtalaga ito ng bagong pinuno ng ahensya.