PANGUNGUNAHAN ng Philippine Marines ang pagbibigay parangal kay dating Senator at AFP chief Rodolfo Biazon ang isang military honors hanggang sa kaniyang hantungan.
Gaganapin ito sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Araw ng Lunes Hunyo 19, 2023.
Una nang pinarangalan ng Department of National Defense (DND) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Biazon matapos itong pumanaw sa edad na 88.
Matatandaang nanungkulan si Biazon sa militar bilang opisyal ng Philippine Marine Corps, at kalaunan ay pumasok sa public service bilang miyembro ng Kamara at ng Senado.
Buwan ng Hulyo 2022, nang ma-diagnose si Biazon ng lung cancer at sumailalim sa gamutan.
Ang military honors para sa dating heneral, ay bilang pagkilala sa kaniyang legasiya at mga sakripisyo bilang sundalo at pinuno ng military.