PLANO nang ibalik sa gobyerno ni Ex. President Moon Jae-in ang pares ng aso na ibinigay sa kanya ni North Korean leader Kim Jong Un bilang isang regalo.
Ang desisyon na ito ay kasunod ng hindi pagkakasunod sa kasalukuyang gobyerno ukol sa pagpopondo sa mga aso.
Ang mga aso na ito ay iniregalo ni Kim Jong Un kay Moon matapos ang 2018 Summit.
Ang mga aso ay nanatili sa pangangalaga ni Moon kahit na nagtapos na ang termino nito noong Mayo pero ngayon ay ibabalik na ito sa pangangalaga ng estado.
Ang white Pungsan Dogsa na sina Gomi at Songgang ay kabilang sa kategorya na state property at nasa hurisdiksyon ng Presidential archives.
Pero sinabi ng dating pangulo na maaari siyang maging caretaker matapos ang kanyang termino sa hindi inaasahang hakbang.
Sa isang kasunduan sa Interior Ministry, ang supply at gastos para sa mga asong ito ay maaaring kunin mula sa state budget.
Tinataya naman na aabot sa 2.5 million won ang ginagastos para sa mga aso na ito bawat buwan.
Pero hindi na umano nasusunod ang kasunduang ito dahil sa oposisyon mula sa kasalukuyang administrasyon ni President Yoon Suk Yeol.