Dating whistleblower Sandra Cam at iba pang akusado sa pagpatay, inabswelto ng korte

Dating whistleblower Sandra Cam at iba pang akusado sa pagpatay, inabswelto ng korte

INABSWELTO ng Manila Regional Trial Court Branch 42 sa kasong murder si dating whistleblower Sandra Cam, anak nitong si Marco Martin Cam, at iba pang akusado.

Kaugnay ito sa pagpatay kay dating Masbate Vice Mayor Charlie Yuson sa Sampaloc, Maynila noong 2019.

Sa desisyon ni Judge Dinah Aguila-Topacio, bigo ang prosekusyon na patunayan ang mga paratang laban sa mga akusado.

Samantala, dismayado naman ang anak ng nasawing bise alkalde na si Batuan, Masbate Mayor Charmax Jan Yuson sa pagbasura ng korte sa kaso.

Tiniyak nito na iaapela nila ang desisyon ng korte upang makuha ang hustisya.

Follow SMNI NEWS in Twitter