Datuk Seri Anwar Bin Ibrahim, itinalaga bilang ika-10 Punong Ministro ng Malaysia

Datuk Seri Anwar Bin Ibrahim, itinalaga bilang ika-10 Punong Ministro ng Malaysia

NANUMPA na ngayong araw ang bagong talaga bilang ika-10 Punong Ministro ng Malaysia na si Pakatan Harapan Chairman Dato Seri Anwar Bin Ibrahim.

Si Yang Di Pertuan Agong Al- Sultan Abdullah Ri’ayatuddin Al-Mustafa Billah Shah nitong Huwebes, Nobyembre 24 ay pumayag sa pagtatalaga kay Tambun Member of Parliament Datuk Seri Anwar Bin Ibrahim bilang ika-10 Punong Ministro ng Malaysia.

Ayon kay Comptroller of the Royal Household of Istana Negara Datuk Seri Ahmad Fadil Shamsuddin, ang appointment ng Pakatan Harapan Chairman ay ginawa alinsunod sa Article 40(2)(a) at Article 43(2)(a) ng Federal Constitution.

Aniya, ang appointment ay isinagawa matapos na pag-usapan ng Hari ang mga opinyon ng Malay Rulers na nagpatawag ng isang espesyal na pagpupulong sa Istana Negara ngayong araw upang gawin ang pinakamahusay na desisyon para sa interes at kagalingan ng bansa at ng mga mamamayan nito.

Nitong Huwebes, alas singko ng hapon ay nanumpa sa National Palace ang bagong Punong Ministro ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter