Daungan para sa mga cruise ship, itatayo sa Puerto Galera

Daungan para sa mga cruise ship, itatayo sa Puerto Galera

MAGTATAYO na ng daungan para sa mga cruise ship ang Puerto Galera sa Oriental Mindoro, ang isa sa mga sikat na beach sa bansa.

Tinatayang nasa P706.05M ang ilalaan para sa konstruksiyon nito ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).

Sakaling matapos na ay inaasahang mas magpapalakas pa ito sa turismo ng lugar.

Sa Enero 10, 2025 na isasagawa ng PPA ang pre-bidding conference para sa paggawa ng daungan at hanggang Pebrero 5 lang sila tatanggap ng aplikasyon at proposal kaugnay sa proyekto.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble