NASUNGKIT ng Central 911 ng lokal na pamahalaan ng Davao City ang Gawad KALASAG (KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan) Hall of Fame award sa kategoryang Pinakamahusay na Government Emergency Management Response Team.
Ang Gawad KALASAG ay maituturing na pinakamataas na parangal na ibinibigay sa mga lokal na pamahalaan sa bansa na nagpapakita ng kanilang agarang pagresponde tuwing panahon ng kalamidad at sakuna.
Kabilang na rin dito ang humanitarian assistance programs.
Ang Central 911 ay itinatag noong Setyembre 27, 2002 at ito ay nagsisilbing ang pangunahing tanggapan na tumutugon tuwing may emergency at sakuna sa siyudad ng Davao.
Sa ngayon, ang Central 911 mayroong state-of-the-art facilities at may mga makabagong kagamitan.