Davao City Climate Change Committee (DCCC), binuo ni Mayor Sara

Davao City Climate Change Committee (DCCC), binuo ni Mayor Sara

BINUO ni Mayor Sara Duterte Carpio ang Davao City Climate Change Committee (DCCC) sa pamamagitan ng Executive order no. 47 series of 2021 na nilagdaan nito lamang Setyembre 21, 2021.

Sa bisa ng Executive order no. 47 series of 2021, binuo ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio ang Davao City Climate Change Committee upang ipatupad ang local climate change action plan ng lungsod.

Layon nitong ipagpatuloy at i-oversee ang implementasyon ng mga plano, programa, at aktibidad ng Local Climate Change Action Plan (LCCAP).

Paliwanag ni Duterte-Carpio na hindi rin exempted ang siyudad sa mga bantang hatid ng lumalalang climate change na kitang-kita sa mga tumataas na temperatura, malakas na pag-ulan, at ang tagtuyot na nararanasan sa ibang bahagi ng bansa.

Dagdag nito na ang kalimitan ring nakakaranas ang Davao ng flash floods, landslides, at tagtuyo.

Dahil dito, layon rin ng LCCAP na makapagtayo ng disaster-resilient at climate change adaptive communities, kabilang na ang paggawa ng strategic framework on climate change na magiging batayan ng programa para sa climate change planning, research and development, extension, and monitoring of activities on climate change at iba pa.

Ang DCCC ay binubuo ng City Mayor bilang chairperson, City administrator bilang co-chairperson, at ang pinuno ng City environment resources office bilang vice-chariperson at pati na ng mga concerned government agencies.

SMNI NEWS