Davao City Coastal Road, malapit nang matapos

Davao City Coastal Road, malapit nang matapos

MALAPIT nang matapos ang Davao City Coastal Road na pang world class na imprastraktura na isa sa mga hinangaan dahil sa ganda nito.

Isa rin ito sa mga proyekto ng pamahalaan sa patuloy na ipinatutupad na build, build, build program.

Sa dami-daming proyekto ng pamahalaan, isa ang Davao city na nagkaroon ng build build build project kung saan hinangaan ito hindi lamang ng mga dabawenyo, ngunit ng ibat-ibang tao mula sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon dahil sa world class na dating nito.

Ito’y patuloy pa ring isinasagawa ng pamahalaan kung saan ipinapakita ang esplanade sa Davao City Coastal Road na matatagpuan sa Brgy. Bago, Aplaya.

Ang kabuuang budget sa konstruksyon ay aabot sa P19.8-B. Kung matatapos ang proyektong ito, ay hindi lamang mababawasan ang trapiko sa lungsod ng Davao, kundi pinapalakas nitong lalo ang turismo dahil sa angking ganda na maituturing na ring recreational spot sa Davao.

Target na matapos ito sa 2022 ang kabuuang konstruksyon ay may 18.5 km kung saan ang segment ay nahahati sa A, B, at C na nagsimula sa Bago, Aplaya, hanggang sa may R. Castillo, Agdao Davao City.

Makikita na mayroong ding mga bicycle lanes na may dalawang metro ang lapad, kung saan maaari ring ma enjoy ng mga siklista ang magandang tanawin ng Davao gulf sa oras na magbukas na ito sa publiko.

At habang hindi pa ito binubuksan, ay maingat na binabantayan ng pamahalaan ang mga Dabawenyo, at pinaalalahanang huwag muna itong daanan dahil patuloy pa ring isinasagawa ang kaabang-abang na coastal road, ito’y upang masigurong ligtas ang bawat papasok sa nasabing lugar.

Ito na ang isa sa mga malaking proyekto ng pamahalaan na inaabangang matapos, lalong-lalo na ng mga Dabawenyo upang mas maging mabilis ang mga byahe hindi lamang ng mga tao, kundi lalong-lalo na ng mga produkto mula timog hanggang hilaga ng rehiyon.

SMNI NEWS