Davao City ikalima sa pinakamalaking ambag sa 2023 national GDP—PSA

Davao City ikalima sa pinakamalaking ambag sa 2023 national GDP—PSA

PUMUWESTO ang Davao City sa ika-5 sa hanay ng 10 highly urbanized cities na may pinakamalaking ambag sa pambansang ekonomiya noong 2023.

Batay sa resulta ng Provincial Product Accounts ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa P523.54B o 2.5% ang kontribusyon ng lungsod sa kabuuang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

Nanguna sa listahan ang Quezon City, Makati, Maynila, at Taguig, habang nasa ika-6 hanggang ika-10 puwesto ang Pasig, Parañaque, Pasay, Cebu, at Mandaluyong.

Sa kabuuan, naitala sa P21.05T ang national GDP ng Pilipinas noong 2023.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter