Davao City, ipagpapatuloy ang libreng RT-PCR test para sa F2, F3 COVID-19 close contacts

Davao City, ipagpapatuloy ang libreng RT-PCR test para sa F2, F3 COVID-19 close contacts

IPAGPAPATULOY ng pamahalaang lungsod ng Davao City ang libreng RT-PCR test para sa F2, F3 COVID-19 close contacts.

Nakatakdang ibalik ito ng pamahalaang lungsod ang libreng RT-PCR test para sa second at 3rd generation contacts ng isang COVID-19 positive.

Matatandaan na nasuspinde ang pamimigay ng RT-PCR test para sa mga F2 at F3 close contacts ng mga nag positibo sa COVID-19 nitong Agosto matapos na masira ang ginagamit na extraction machine, na ginagamit upang itest ang mga swab specimens sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) gayun din ang pagkakaroon ng limitadong tetsing kits.

Ayon sa tagapagsalita ng Davao City task force nagsimula na ang Magsaysay swab testing center na mag RT-PCR swabbing para sa F2 at F3 close contacts nitong October 5. At ang maximum capacity dito ay nasa 150 hanggang 250 katao, kada araw.

Dagdag pa nito habang hinihitay na maayos ang laboratory sa SPMC ay ginagamit naman ng lungsod ang Los Amigos Molecular Laboratory at Davao International Airport molecular laboratory upang magsagawa at mag proseso ng mga tests.

Nilinaw din nito na bagamat nagkaroon ng pansamantalang suspension sa ginagawang swab testing para sa second at third generation contacts hindi naman itinigil ng lungsod ang pagsasagawa ng contact tracing.

SMNI NEWS