Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, pormal nang nanumpa bilang bagong miyembro ng LAKAS-CMD

Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, pormal nang nanumpa bilang bagong miyembro ng LAKAS-CMD

PORMAL nang nanumpa si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang bagong miyembro ng Partidong Lakas–Christian Muslim Democrats (LAKAS-CMD).

Ginawa ni Mayor Sara ang kanyang panunumpa kay LAKAS-CMD President at House Majority Leader Rep. Martin G. Romualdez.

Sinaksihan naman ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., ang party chairman LAKAS-CMD ang panunumpa ng alkalde na isinagawa sa Revilla Farm sa Silang, Cavite ngayong hapon, ika-11 ng Nobyembre 2021.

Kaninang umaga lang ay nagbitiw sa kanyang regional party na Hugpong ng Pagbabago ang alkalde.

BASAHIN: Davao City Mayor Sara Duterte, nagbitiw na mula sa Hugpong ng Pagbabago

Matatandaan na kamakailan lang ay nag-withdraw ng kanyang Certificate of Candidacy sa pagka-mayor ang presidential daughter.

Inaabangan naman ngayon ang susunod na magiging hakbang ni Mayor Sara para sa 2022 elections.

SMNI NEWS