Davao City Mayor Sara, muling nanawagan sa mga tagasuporta na ihinto na ang pag-motorcade

MULING nanawagan si Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang mga tagasuporta na itigil na ang pag-motorcade at paglalagay ng tarpaulin upang hikayatin siyang tumakbo sa 2022 presidential election.

Aniya, sa halip na gumasto ng pera para sa motorcade at tarpaulin, ay ilaan na lamang ito sa mga nangangailangan.

“Let us instead use our power and resources to give food to those who are short on money and hungry and create jobs for those who lost their livelihood,” pahayag ni Mayor Duterte.

Kahit aniya na wala siyang plano na tumakbo para sa presidential race sa susunod na eleksyon, ang pagpapahayag ng pagkakaisa at katibayan ng kanyang mga tagasuporta ay sapat na upang mapagalaw ang mga Pilipino sa pagtugon sa karukhaan.

“There is no need for you to keep on calling my attention through motorcades and tarpaulins, I heard you, and I understand what’s in your heart. Because that is also what I felt,” ani Sara.

Nagpasalamat naman si Mayor Sara sa mga tagasuporta nito sa pagtitiwala sa kanyang kakayahan sa pamumuno.

“Once again, I am grateful to all my friends who believe in me and who relentlessly express their call for me to run for president. The unity and strength that you have shown gave me comfort knowing that I have friends like you,” aniya pa.

Aniya pa, magastos sa gasolina at iba pang halaga ang pag-motorcade.

“Let us instead give the budget for the motorcade to the less fortunate to buy food,” dagdag ng Davao City Mayor Sara.

SMNI NEWS