Davao City, most competitive na syudad sa Visayas at Mindanao

Davao City, most competitive na syudad sa Visayas at Mindanao

NANGUNGUNA sa listahan bilang most competitive na syudad sa Visayas at Mindanao ang lungsod ng Davao.

Ito’y base sa economic dynamism, government efficiency, infrastructure, resilience at innovation.

Ayon sa ulat ng Davao City Information Office, natanggap ng syudad ang special award bilang kauna-unahang highly-urbanized city na pumasa sa landmark ordinance kaya ito naging Davao City Inventions and Innovations Center in the Philippines.

Ibinigay ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 11 ang award noong Pebrero 22 sa virtual 5th Davao Region Competitiveness Awarding na dinaluhan ng DTI at ilang lokal na pamahalaan sa buong rehiyon.

Ang Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) ay ang taunang ranking ng competitiveness ng mga syudad at munisipalidad ng mga local government unit (LGU) ng buong bansa.

Pinasalamatan naman ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte ang DTI sa pagkilala sa pagsisikap ng syudad.

Follow SMNI NEWS on Twitter